MOTORCYCLING TIPS

Pag-iingat ng mga Motorsiklo Kontra Baha

Kabi-kabila ang mga tumamang baha sa atin bansa. Tumama sa Bicol, sa Panay Island, sa malaking bahagi ng Metro Manila at Parte ng Rizal, Laguna at Bulacan at ang pinakabago ay ang pangyayari sa Pangasinan. Masasabi natin na wala ng lugar na ligtas sa ganitong kapahamakan.
 

DAPAT GAWIN PARA SA NABAHANG MOTORSIKLO:

  1. Hugasan ang motor ng malinis na tubig.
  2. Tangalin ang fuel tank (kung pinasok ng tubig ang tanke), hugusan ng tubig ng maigi at patuluyuin.
  3. Tangalin ang karburador at linisin. Hangang maari, bugahan ng compress air ang nasa loob na bahagi ng karburador lalo na ang mga butas nito.