KONTRA BAHA PARA SA MOTORSIKLO!

Kabi-kabila ang mga tumamang baha sa atin bansa. Tumama sa Bicol, sa Panay Island, sa malaking bahagi ng Metro Manila at Parte ng Rizal, Laguna at Bulacan at ang pinakabago ay ang pangyayari sa Pangasinan. Masasabi natin na wala ng lugar na ligtas sa ganitong kapahamakan.

Ang bahang ito ay nagdudulot ng pinsala hindi lamang sa atin kundi pati na rin sa ating mga mga kagamitan at particular sa ating mga motorsiklo. Lumalaki ang pinsala nito kung ang tubig baha ay nakakapasok sa loob ng makina, sa dahilan kailangan pa natin buksan ang makina para makasigurado tayo na walang dumi na makakasira ng makina kung ito ay pinapatakbo na.

Ang tubig baha ay pumapasok sa loob ng atin makina mula sa intake at exhaust port lamang. Kung masisiguro natin na ang nasabing pasukan ay sarado ng balbola (intake at exhaust Valves) ito ay makakapadali ng atin proseso sa pagkumpuni.

 

Dahil dito mararapat lang na dapat sundin ang mga sumusunod:

  1. Siguruhin na sarado ang balbola;

    1. Ikambyo sa neutral ang motorsiklo.

    2. Dahan-dahan tadyakan ang kick starter at pakiramdaman ang pinakamatigas na posisyon at palampasin ng konte (1 inch) mula doon. Sa mga modelong walang Kick Starter, mararapat na ipaposisyon ang piston sa Top Dead Center ng compression stroke sa ating mga mekaniko.

  2. Tangalin ang kambyo at kick starter pedal ng motorsiklo. Ito ay para masiguro natin na wala ng gagalaw sa atin setting na ginawa.

  3. Lagyan ng manipis na plastic na supot ang dulo ng muffler at talian o lagyan ng makapal na goma o rubber band.

  4. Patungan ng mas makapal na plastic na supot ang manipis na supot at talian o lagyan ng goma. Dapat mapapaloob ng makapal na plastic ang goma ng manipis na plastic.

 

Pakitandaan na wala pong lugar na hindi kayang bahain at dapat masunod ang alituntunin sa itaas para magkaroon ng proteksyon ang atin mga motor. Ito ay dapat ginagawa kung may palapit na bagyo o pagbubukas ng mga DAM.