DAPAT GAWIN PARA SA NABAHANG MOTORSIKLO:
- Hugasan ang motor ng malinis na tubig.
- Tangalin ang fuel tank (kung pinasok ng tubig ang tanke), hugusan ng tubig ng maigi at patuluyuin.
- Tangalin ang karburador at linisin. Hangang maari, bugahan ng compress air ang nasa loob na bahagi ng karburador lalo na ang mga butas nito.
- Tangalin ang air clearner. Kung ito ay gawa sa papel, palitan. Kung ito ay foam type, hugasan ng maigi ng gasoline. Kung ito ay malinis na, dapat lagyan ng konteng langis at pigain para ito ay kumalat, bago ilagay sa lalagyan nito.
- Palitan ang langis ng makina.
Tangalin ang spark plug. Sipain ang kick starter para siguraduhin walang tubig ang cylinder head.
I drain ang langis ng motorsiklo. Kung ito ay may oil filter, tangalin at linisan ng gasolina at siguraduhin wala na ang tubig. Ibalik pamsamantala.
Lagyan ng 1 litrong diesel ang crankcase. Isauli ang dip stick at sipain ang kick starter ng hindi bababa sa 20 beses.
I drain ang diesel. Tingnan kung ito ay malinis na kung hindi pa, lagyan uli ng diesel at ulitin hangang sa malinis na.
I Check ang spark plug kung may kuryente at palitan kung wala na. Lagyan ng spark plug ang motorsiklo.
Lagyan ng mababang klasi ng langis, at paandarin ng sandali o hindi hihigit ng 5 minuto. I drain uli at lagyan na ng tamang klasi ng langis.
6. Langisan ang kadena at iba pang pyesa na maaaring kalawangin.